Manila, Philippines – Pinakikilos ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate ang Korte Suprema na aksyunan ang mga nakatenggang petisyon na may kinalaman ang publiko.
Giit ni Zarate, hanggang ngayon ay wala pa ring desisyon ang Korte Suprema sa mga nakahaing public interest petition.
Giit ni Zarate, kung nagawa ng Katas-Taasang Hukuman na aksyunan ang quo warranto petition laban kay dating Chief Justice Ma Lourdes Sereno sa loob lamang ng dalawang buwan ay ganoon din dapat ang gawin sa iba pang nakabinbing petisyon.
Kabilang sa mga pinaaaksyunan sa SC ang May 22, 2008 petition laban sa joint exploration ng China at Pilipinas sa Spratly Islands na sampung taon nang nakatengga sa Korte Suprema, ang hirit na refund ng mga Telco sa kanilang mga customer dahil sa overcharged na aabot sa 17.7 billion pesos nooong 2014 at ang petisyon na laban sa Meralco, TRAIN Law, MRT-LRT fare hike petition at iba pa.