Manila, Philippines – Sa Setyembre target ng Department of Transportation o DOTr na ilabas ang pinal na disenyo ng modernong pampasaherong jeepney.
Paliwanag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Spokesperson Aileen Lizada, dapat aprubahan muna ng bureau of product standards ng Department of Trade and Industry (DTI) ang specifications na dapat makita sa modernong jeepney.
Sa Agosto pa pwedeng magsumite ng prototype ang local manufacturers at builders base sa inaprubahang standard, at sa setyembre mamimili ang DOTr ng mananalong disenyo.
Ang mananalong manufacturer ay bibigyan ng grant ng DTI para makapag-mass produce ng modernong jeepney.
Pero pwede pa ring gumawa ang mga matatalong manufacturer base sa nanalong disenyo para makatulong sa pagpo-produce.