Ilalabas ng Commission on Elections (COMELEC) ang pinal na listahan ng mga kandidato para sa 2022 elections pagsapit ng buwan ng Disyembre.
Ito ay pagkatapos na matanggal ang mga itinuturing na nuisance candidates sa kanialng kasalukuyang listahan.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, halos 95 percent dito ang inaasahang mawawala kapag natapos na nilang salain ang mga kandidato.
Nagsimula na rin aniya ang evaluation ng COMELEC sa mga naghain ng Certificate of Candidacy (COC).
Batay sa listahan ng COMELEC, nasa 97 ang nagsumite ng COC para sa pagkapangulo ahabang 28 sa pagkabise presidente.
Samantala, wala nang plano ang COMELEC na palawigin pa ang voter registration na nakatakdang matapos sa Oktubre 30.
Facebook Comments