Pinal na listahan ng mga kandidato sa 2022 elections, target tapusin ng COMELEC ngayong taon

Target ng Commission on Election (COMELEC) na malinis na ang listahan ng mga kandidato sa Eleksyon 2022 sa pagtatapos ng taon.

Ayon kay COMELEC Commissioner Antonio Kho Jr., ito ay para mailabas ang opisyal na listahan ng mga kandidato sa una o ikalawang linggo ng Enero.

Aniya, maaaring may mapasama sa maiimprentang pangalan ng mga kandidato sa national o lokal na posisyon na kalaunan ay madi-diskwalipika.


Gayunman, aabisuhan na lamang aniya ang mga election officer para sa mga pagbabago lalo na sa mga hindi pagsama sa bilang ng disqualified na kandidato.

Giit ni Kho, ituturing na stray votes ang makukuhang boto ng mga diskwalipikadong kandidato na nasa balota.

Facebook Comments