Pinal na listahan ng mga presong aarestuhin ng pulisya, ipapasa na ng DOJ

Target ng Department of Justice (DOJ) na magsumite ng listahan ng mga pangalan ng bilanggong tutugisin ng pulisya simula bukas, October 1.

Ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete – natapos na ng oversight committee ang paglilinis sa listahan at isusumite na ito ngayong araw sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Nakapaloob sa bagong listahan ang pangalan ng mga presyong convicted ng heinous crimes at maagang nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) at hindi nakasunod sa direktiba ni Pangulong Rodrio Duterte na sumuko.


Matatandaang sinimulan ang pag-aresto sa nga preso noong September 19 pero humiling ang DOJ sa PNP at AFP na suspendihin ito dahil may mali sa listahan na isinumite ng Bureau of Corrections (BuCor).

Facebook Comments