PINALAGAN | Dating CHR Chairperson Etta Rosales, inupakan ang balak pag-extend ng Martial law sa Mindanao

Pinalagan ni dating Commission on Human Rights Chairperson Loretta Ann Rosales ang balak na muling palawigin ulit ang Martial Law sa Mindanao dahil sa nangyaring pagsabog sa Sultan Kudarat.

Ayon kay Rosales, kaya namang resolbahin sa pamamagitan ng pagpapatupad ng ordinary enforcement measures.

Wala rin aniyang aktuwal na paghihimagsik at pagsalakay sa mindanao kaya hindi kailangan na palawigin pa ang Martial law.


Sinabi pa ni Rosales na dapat nang itigil ni Pangulong Duterte na siya ay abogado at alam nya ang kaniyang ginagawa pero patuloy naman umano nitong nilalabag ang rule of law.

Dagdag pa niya na dapat ay matagal ng binawi ang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.

Facebook Comments