MABILIS! | Budget ng OP at OVP, agad na nakalusot sa komite

Manila, Philippines – Mabilis lamang na nakalusot sa Kamara ang budget ng Office of the President at Office of the Vice President.

Wala pang 30 minuto na humarap si Executive Sec. Salvador Medialdea sa pagdinig ng budget ng House Committee on Appropriations ay agad na naaprubahan ang P6.773 Billion na budget ng OP sa 2019.

Samantala, mabilis ding nakalusot sa komite ang budget ng Office of the Vice President na nasa P447.68 Million sa susunod na taon.


Mas mababa naman ang pondo ng OVP ng 100 Million sa 2019.

Ayaw namang isipin ni Vice President Leni Robredo na pulitika ang dahilan kaya binawasan ng DBM ang kanilang budget sa 2019.

Lahat naman aniya ng ahensya ng gobyerno ay nakatikim ng kaltas sa budget at hindi lamang ang OVP.

Facebook Comments