PINALAGAN | Draft committee report ng Dengvaxia vaccine, walang matibay na basehan

Manila, Philippines – Iginiit ni Magdalo Partylis Rep. Gary Alejano na walang basehan ang draft committee report ng Senate Blue Ribbon Committee sa ginawang imbestigasyon sa Dengvaxia vaccine.

Sinabi ni Alejano na wala namang conclusive evidence na makapagbibigay ng bigat na talagang ang Dengvaxia vaccine nga ang sanhi ng pagkamatay ng ilang mga estudyanteng nabakunahan nito.

Dagdag pa ng kongresista, maging ang Kongreso atang PAO na nagsampa ng kaso ay hindi maiugnay ang pagkasawi ng mga nabakunahan.


Maliban dito, nagdulot pa ito ng takot sa publiko kaya hindi na pinabakunahan sa iba pang vaccination program ng gobyerno ang kanilang mga anak.

Dahil sa walang basehang takot ay tumaas pa lalo ang bilang ng mga kaso ng mga nagkakasakit na bata.

Kinalampag ni Alejano ang pamahalaan na ibigay ang tamang impormasyon sa publiko upang mawala ang takot a huwag gamitin sa pulitika ang isyu ng Dengvaxia.

Facebook Comments