NBA | Minnesota Timberwolves, kinuha ang huling playoff spot sa Western Conference

NBA – Tinalo ng Minnesota Timberwolves ang Denver Nuggets, 112-106 sa overtime para makuha ang huling spot sa playoffs ng Western Conference ng NBA.

Pareho kasing tabla ang Timberwolves at Nuggets para sa number 8 spot bago ang kanilang win or go home game.

Ito ang unang post-season appearance ng Minnesota pagkatapos ng labing-apat na taon o pinakamatagal na panahon ng isang koponan hindi nakapasok sa playoffs.


Makakaharap ng Timberwolves sa unang round ng playoffs ang NBA best team na Houston Rockets.

Facebook Comments