PINALAGAN | Inciting to Sedition case laban kay Trillanes, binatikos ng LP Senators

Manila, Philippines – Binatikos nina Liberal Party o LP Senators Francis
Kiko Pangilinan at Leila de Lima ang pagsampa sa Pasay City Metropolitan
Trial Court ng kasong inciting to sedition laban kay Senator Antonio
Trillianes.

Giit ni Pangilinan, na siya ring tumatayong Pangulo ng LP, malinaw na isang
uri ito ng political harassment para patahimikin at supilin ang mga kritiko
ng administrasyon.

Kapuna-puna aniya na sa unang araw pa lang ng Duterte Administration ay
nagpakita na ito ng kawalang pasensya sa mga taga-oposisyon.


Giit ni Senador Pangilinan, kontra sa umiiral na demokrasya at banta sa
kalayaan at democratic rights ang pagsasampa ng kaso sa mga kritiko ng
gobyerno tulad ni Senador Trillianes.

Sa tingin naman ni Senador de Lima, ganito ngayon ang paraan ng mga mga
public servants kuno para makamit ang promosyon.

Naniniwala si de Lima na sa pagsusulong ni Pasay City Senior Assistant City
Prosecutor Joahna Gabatino-Lim sa kaso laban kay Trillanes ay umaasa ito ng
promosyon at gantimpala.

Inihalimbawa ni de Lima si Dating Department of Justice Prosecutor
Aristotle Reyes na itinalaga umano ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang
Regional Trial Court o RTC Judge.

Kasunod ito ng pag-abswelto ni Reyes sa mga opisyal ng Bureau of Customs na
sangkot sa smuggling ng 6.4 Billion pesos na shabu at pagbasura sa mga kaso
nina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Co at iba pang personalidad na
sangkot sa iligal na droga.

Facebook Comments