Manila, Philippines – Pumalag ang palasyo ng Malacañang sa pagpapangalan ng China sa mga Undersea Features ng Benham Rise o sa Philippine Rise.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi nila kikilalanin ang Chinese names na ibinigay ng China sa mga lugar na nasa loob ng Philippine Rise.
Sinabi ni Roque na umalma na ang Philippine Embassy sa Beijing China dahil sa hakbang na ginawa ng Chinese Government.
Ikinokonsidera na rin naman aniya ng embahada ng Pilipinas sa China ang pag-notify sa Chairman ng International Hydrographic Organization, Intergovernmental Oceanographic Commission General Bathymetric Chart of the Oceans Sub Committee on Undersea Feature Names ang kasong ito.
Hindi aniya miyembro ang Pilipinas ng SCUFN na binubuo ng 12 miyembro, pag-uusapan aniya ng nasabing komite ang proposal ng China sa darating na Oktubre at sa Setyembre sa Brazil.
PINALAGAN | Malacañang, hindi kikilalanin ang pangalang ibinigay ng China sa undersea feature ng Philippine Rise
Facebook Comments