PINALAGAN | Pagharang ng Court of Appeals sa suspensyon ng mga opisyal ng ERC, kinuwestyon sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Dumulog sa Korte Suprema ang grupong Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Inc para iapela ang desisyon ng Court of Appeals pabor sa mga sinuspindeng opisyal ng Energy Regulatory Commission o ERC.

Sa kanilang urgent petition for certiorari, hiniling ng grupo na ipatigil ang animnapung araw na temporary restraining order ng Appellate Court sa implementasyon ng suspensyon ng Ombusdsman laban kina ERC Commissioners Gloria Taruc, Alfredo Non, Josefina Patricia Magpale-Asirit, at Geronimo Sta. Ana.

Ayon sa mga petitioner, nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ng CA 9th Division kaya dapat itong ideklarang null and void.


Wala rin anilang hurisdiksyon ang Court of Appeals nang mag-isyu ito ng TRO sa desisyon ng Ombudsman

Ang suspensyon sa ERC officials ay nag-ugat sa pagbasbas daw ng mga ito sa maanomalyang kasunduan sa supply ng kuryente ng tatlumput walong mga kumpanya kung saan ang pito dito ay sinasabing konektado sa Meralco.

Facebook Comments