PINALAGAN | Rekomendasyong sampahan ng kasong kriminal si dating Pangulong Aquino dahil sa Dengvaxia, kinontra ni Senator Gatchalian

Manila, Philippines – Isa si senator Sherwin Gatchalian sa siyam na pumirma na sa draft report na inilabas ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon ukol sa Dengvaxia controversy.

Pero nilinaw ni gatchalian na hindi sya sang-ayon sa lahat ng laman ng draft report lalo na ang rekomendasyon na sampahan ng kasong kriminal si dating pangulong noynoy aquino.

Bunsod nito ay plano ni Gatchalian na isama ito sa mga isusulong nyang amyenda sa draft report pagdating sa plenaryo.


Katwiran ni Gatchalian, hindi doktor si Pangulong Aquino at nagbase lang ito sa payo ng kanyang mga dating kalihim at iba pang kinauukulang opisyal ng gobyerno pagdating sa mga usaping medical at technical kaugnay sa pagbili ng anti dengue vaccine.

Ipinunto pa ni Gatchalian na malinaw din sa draft report na hindi naman sinadya ni Pangulong Aquino at wala itong masamang motibo kaugnay sa pagbili ng gobyerno sa 3.5 billion pesos na halaga ng Dengvaxia.

Para kay Gatchalian, si dating Health Secretary Janette Garin ang maituturing na “prime mover” sa kontrobersiya dahil ito ang nagrekomenda pa sa pagbili ng Dengvaxia.

Facebook Comments