PINALAGAN | SC petition ng opposition Senators na ideklarang ‘invalid’ ang ICC withdrawal ng Pilipinas – walang legal na basehan ayon kay Roque

“GOOD LUCK”

Ito ang sagot ng Malacañang sa hiling ng ilang opposition Senators sa Korte Suprema na ideklarang invalid o ineffective ang pagkalas ng pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Giit kasi nina Senators Franklin Drilon, Antonio Trillanes, Riza Hontiveros, Leila de Lima, Bam Aquino at Francis Pangilinan, invalid ang nasabing hakbang dahil wala itong basbas ng senado at hindi makatwiran sa ilalim ng “residual powers” ng Pangulo.


Pero sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque – sa tingin niya ay walang legal na basehan ang petisyon ng mga Senador.

Aniya, ang Pangulo pa rin ang nananatiling Chief architect ng foreign policy.

Matatandaang nagpasya si Pangulong Duterte na kumalas ang pilipinas sa ICC makaraang ianunsyo ng isa sa mga court prosecutor na umusad na ang imbestigasyon nila sa reklamong crimes against humanity na inihain ng kanyang mga kritiko kaugnay ng war on drugs sa Pilipinas.

Facebook Comments