PINALAKAS | India, nagpalipad ng satellite para mapalakas ang kanilang internet

Mas magiging mabilis at malakas pa ang broadband internet service sa India.

Ito ay matapos mailunsad sa kalawakan Ng Indian Space Research Organisation (ISRO) ang kanilang pinakamabigat na satellite.

Ang GSAT-11 o tinatawag nilang ‘most advanced’ multi-band communication satellite ay may bigat na halos 6,000 kilo.


Ilalagay ito sa geostationary orbit sa katapusan ng buwan at sisindihan ang transponders nito.

Facebook Comments