Mas lalong pinalalakas ngayon ng World Health Organization (WHO) ang pangangalaga ng kalusugan ng bawat miyembro ng Western Pacific Region-WHO upang maprotektahan ang kanilang kalusugan.
Sa ginanap na 69 Session ng WHO Regional Committee for the Western Pacific pinatutukan ng Regional Director ang primary health care, non-communicable diseases at antimicrobial resistance bukod pa sa prayoridad ng bawat miyembro ng Estado ang pagtutok sa pagbabago ng klima ng mundo o climate change.
Paliwanag ng WHO malaking tulong ang pakikiisa ng bawat kasapi upang tutukan ang mga nakakahawang sakit gaya ng HIV, hepatitis B at syphilis kung saan pinalalakas ng kanilang samahan kung papaano mapipigilan ang pagkalat ng naturang nakahahawang sakit.
Dagdag pa ng WHO uunlad ang bawat bansa kung ang bawat citizen nito ay malusog ang pangangatawan at nakapag-iisip ng maayos kung papaano sila makaaambag sa kanilang bansa.