ROAD CRASH | 20 nasawi sa pinakamalubhang car crash sa Amerika

Labing walong pasahero at dalawang pedestrian ang nasawi matapos sumalpok ang isang Limousine sa isang nakaparadang sasakyan sa Schoharie, New York.

Nasawi ang lahat ng nakasakay sa Limousine kasama na ang driver habang nasagasaan namang ang dalawang pedestrian nang mawalan ng kontrol ang sasakyan.

Sa inisyal na imbestigasyon, hindi umano tumigil sa isang intersection ang Limousine at sa halip ay dumiretso ito sa isang parking na kung saan nabangga nito ang nakaparadang sasakyan.


Hindi pa rin mabatid kung ano ang naging dahilan ng aksidente.

Kasama sa mga nasawi ay dalawang bagong kasal lamang. Papunta sana ang mga ito sa birthday party ng kanilang kaibigan nang maganap ang trahedya.

Facebook Comments