Pinalaki pa ng Japanese Ministry of Defense ang search area para sa nawawalang limang U.S. Marines matapos ang banggaan ng dalawang military aircraft noong nakaraang Biyernes.
Bagaman at ayaw tukuyin ang eksaktong lugar, pinalawak ang search area dahil na rin sa galaw ng karagatan.
Pahirapan ang paghahanap sa mga marines dahil na rin sa sama ng panahon sa lugar.
Sa isang pahayag, sinabi ng U.S. Marine Corps na isang sundalo nila ang nailigtas at nasa pagamutan na habang isang naman ang kumpirmadong nasawi sa aksidente matapos ma-recover ng mga search and rescue unit ang mga labi nito.
Nangyari ang trahedya matapos ang magbanggaan ang isang KC-130 tanker aircraft at F/A 18 fighter plane habang nagsasagawa ng routine training exercise sa karagatan na may 200 milya ang layo sa Japan.