Manila, Philippines – Muling hinamon ni Retired Commodore Rex Robles si Senador Trillanes na ipakita ang paper trail ng amnesty application nito.
Ayon kay Robles, ito ang mainam na pagkakataon na patunayan ng Senador na mali ang naging desisyon ng pangulong Duterte na bawiin ang Amnestiya sa pamamagitan ng isang proklamasyon.
Bagamat una nang sinabi ng Department of National Defense na nawawala umano ang aplikasyon ng Senador na kay Trillanes pa rin umano ang Burden of Proof na ipakita sa mga kinauukulan na nakasunod ito sa mga hinihingi ng Amnestiya.
Sinabi pa ni Robles na kasapi ng Feliciano Commission na nag-imbestiga noon sa 2003 Oakwood Mutiny na asahan na raw na mas maraming kaso ang makakaharap ni Trillanes kapag natapos na nito ang termino sa susunod na taon.
Magugunitang sinabi rin ni Robles na maaaring ma-Court Martial muli si Trillanes.
Gayunman..inihayag ng dnd na hihintayin nila ang magiging hatol ng Supreme Court ukol sa legalidad ng ipinagkaloob na Amnestiya kay Trillanes.