Manila, Philippines – Pinalawig ngayon ng Judicial and Bar Council (JBC) ang aplikasyon para sa posisyon ng Ombudsman kung saan hanggang May 15 na ito mula sa dating petsa na May 2.
Ito ay dahil sa nalalapit na pagtatapos ng pitong taong termino ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa July 26.
Ayon sa JBC, tatanggap sila ng mga aplikasyon hanggang alas-4:30 ng hapon sa May 15.
Ang JBC na din ang bahalang magsagawa ng screening ng mga aplikante para sa mga posisyon sa hudikatura at sa Office of the Ombudsman.
Matapos nito, sila nadin ang magrerekomenda ng mga pwedeng italagang Ombdusman ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Facebook Comments