Pinalawig na mababang taripa sa mga vital food import, hiniling na huwag gawing long-term policy ng pamahalaan

Umapela si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa pamahalaan na huwag gawing long-term policy ang pinalawig na mababang taripa sa mga pangunahing bilihin na inaangkat sa bansa.

Para sa senador, ang mahalagang gawin ay ang palakasin at patuloy na gawing moderno ang agricultural sector ng bansa.

Ito ang mga nakikitang paraan ng senador para matiyak ang food security at sustainability kasabay ang pagtataguyod ng job creation sa naturang sektor.


Kaugnay nito, inihain ng majority leader ang Senate Resolution 385 para imbestigahan ang detalye kung paanong matitiyak ng gobyerno ang food security sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ating agriculture at fisheries sector.

Partikular aniyang kailangang repasuhin ang Republic Act 8435 o ang Agriculture and Fisheries Modernization Act para ma-update ito base sa kasalukuyang socioeconomic realities at magawan itong future-proof.

Nagpasalamat naman si Villanueva sa agad na pagtugon din ng pangulo sa pagpapalawig ng Executive Order 171 na makakatulong para maibsan ang pagtaas pa rin ng inflation rate sa bansa.

Facebook Comments