Mga kamag-anak ng nawawalang sabungero, muling nakipagdayalogo sa CIDG

Muling nagtungo sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga pamilya ng mga nawawalang sabungero at nakipagdayalogo kay CIDG Director Police BGen. Ronald Lee.

Ayon kay Charlene Lasco, kapatid ng dinukot na e-sabong master agent na si Ricardo Lasco, nagpapasalamat sila sa imbestigasyon ng CIDG na nagresulta sa paglabas ng resolusyon laban sa tatlong pulis na sangkot sa kaso.

Aniya, tagumpay na maituturing ang pagtutok ng CIDG sa kaso ng kaniyang kapatid.


Gayunman, umaasa siyang mapapanagot din ang iba pang mga pulis na dumukot sa kaniyang kapatid.

Panawagan pa nito sa ibang may nalalaman sa kaso na makipagtulungan sa CIDG upang maresolba ang kaso ng kaniyang kapatid at iba pang missing sabungero.

Facebook Comments