Pinalawig na number coding scheme, posibleng pagkatapos na ng eleksyon maipatupad

Posibleng pagkatapos na ng eleksyon 2022 ibalik ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng pinalawig na number coding scheme.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni MMDA General Manager Frisco San Juan na ramdam na ramdam na kasi ngayon ang pagbigat ng daloy ng trapiko partikular na sa EDSA.

Ani San Juan, isa sa factor ng pagbigat sa daloy ng trapiko sa mga kalsada sa kalakhang Maynila ay ang pangangampanya ng mga kandidato.


Asahan pa aniya na titindi pa ito sa muling pagbabalik ng face-to-face classes.

Nabatid na mayroong tatlong opsyon sa pagpapanumabalik ng number coding scheme na patuloy pang pinag-aaralan.

Paliwanag ni San Juan na patuloy pa nila itong kinokonsulta sa Metro Manila mayors, mga driver, operators at iba pang stakeholders.

Sa ngayon, umiiral ang number coding simula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi sa Metro Manila.

Facebook Comments