MAGSASAKA, ARESTADO SA 4 COUNTS NG KASONG PANGGAGAHASA

Cauayan City, Isabela- Tuluyan nang naaresto ng mga awtoridad ang isang magsasaka na Top 1 Most Wanted Person Municipal Level sa Tumauini, Isabela.

Sa ulat ng Isabela Police Provincial Office, kinilala ang akusado na si alyas Pedro, 31-anyos, may asawa at residente ng Brgy. San Vicente sa nabanggit na bayan.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na may petsang October 28, 2021 dahil sa kasong 4 counts ng Panggagahasa habang walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang Kalayaan.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba mula sa isang impormante na ang akusado ay nakitang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo na walang plaka at nagpaplano umanong tumakas patungo sa City of Ilagan.

Pinuri naman ni IPPO Acting Provincial Director PCol. Julio Go ang mga kasapi ng PNP Tumauini sa kanilang mahusay na pagkakaaresto sa akusado na ngayon ay nasa kanilang pangangalaga para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments