PINAMAMADALI | Audit sa operasyon ng NFA noong Oktubre hanggang Disyembre 2017, kailangang matapos agad

Manila, Philippines – Pinamamadali na ng Office of the Secretary to the Cabinet ang pag-audit sa operasyon ng National Food Authority o NFA.

Ito ay matapos ang balitang naubos na ang supply ng NFA Rice sa Metro Manila.

Ayon kay Assistant Secretary Jonas George Soriano ng Office of the Secretary to The Cabinet, noong nakaraang NFA Council meeting ay napagdesisyunan na magsasagawa ng Audit sa naging operasyon ng NFA kung saan kabilang sa mga kailangnang bubusisiin ay ang mga nangyari sa NFA mula noong October hanggang December noong nakaraang taon.


Sinabi din ni Soriano na dapat ding ma-audit ang buong operasyon ng NFA mula ng pumasok ang Duterte Administration.

Facebook Comments