SUPLAY NG BIGAS | Paliwanag ng North District Office ng NFA, inaabangan na kaugnay sa naubos na supply sa metro manila

Manila, Philippines – Hinihintay pa ng National Food Authority o NFA Council ang report ng NFA North District Office Manager kaugnay sa napabalitang naubos na supply ng NFA rice sa Metro Manila.

Ayon kay Assistant Secretary Jonas Soriano, ang tagapagsalita ni Secretary to the Cabinet Leoncio Jun Evasco, sakaling totoo man ang lumabas na balita na wala na ngang supply ng NFA rice sa Metro Manila ay hindi naman aniya ito dapat ikabahala.

Paliwanag ni Soriano, NFA rice lang naman ang walang supple pero sapat supply ng commercial rice sa Metro Manila.


Sinabi pa ni Soriano na ang NFA Rice ay nasa 4 hanggang 5% ng kabuoang supply ng bigas sa bansa kaya wala dapat epekto sa presyo kung mawala man ang 5% ng supply ng bigas.

Facebook Comments