PINANGALANAN NA! | MARINA administrator Marcial Quirico Amaro III, sinibak ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Sinibak na sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si MARINA Administrator Marcial Quirico Amaro III.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press conference kanina sa Davao City.

Ayon kay Roque, sinibak si Amaro dahil sa 24 niyang foreign trips mula nang maluluklok sa serbisyo noong 2016 kung saan 18 rito ay nangyari nito lang nakaraang taon.


Si Amaro ay inireklamo mismo ng mga empleyado ng MARINA kay Pangulong Duterte.

Una nang sinibak ng Pangulo si dating Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Chairman Terry Ridon dahil sa kanyang mga biyahe-abroad.

Ayon pa kay Roque, ilang police official din ang posibleng ma-terminate dahil sa dami ng kanilang foreign trips.

Kahapon nang maglabas ng memorandum circular ang Office of the President kaugnay ng panuntunan sa pagbiyahe abroad ng mga opisyal o empleyado ng Ekehutibo.

Facebook Comments