Manila, Philippines – Posibleng umakyat ng higit 140,000 kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa bansa sa susunod na limang taon.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kapag hindi ito naagapan, aakyat pa ng higit 300,000 tao ang matatamaan ng HIV pagdating ng taong 2030.
Panawagan ng Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, magkaisa para labanan ang HIV-AIDS sa pamamagitan ng pagpapaigting ng kapasidad sa early warning at risk reduction.
Sa datos ng United Nations Program on HIV/AIDS, 140% ang itinaas ng bilang ng mga bagong HIV infections sa Pilipinas sa loob ng nagdaang anim na taon.
Sumatutal, halos 47,000 kaso ng HIV ang naitala mula 1984 hanggang Agosto 2017.
Facebook Comments