Pinangangambahang PUI sa Kalinga, Negatibo

*Cauayan City, Isabela*- Nilinaw ng Kalinga Police Provincial Office ang impormasyon kaugnay sa ipinalabas na memorandum na may apat (4) na katao kabilang ang isang banyaga ang Patient-under-Investigation ng COVID-19.

Ayon kay Provincial Director Job Russel Balaquit, negatibo ang impormasyong una ng ipinalabas ng DOH-Kalinga ukol dito kaya’t kagabi palang ay nagkaroon ng pangamba ang publiko sa usapin ng nasabing sakit.

Dagdag pa ni Direktor Balaquit na matapos ang ginawang paghahanap ng pulisya sa buong probinsya partikular sa Bayan ng Tinglayan kung saan sinasabing nagtungo ang apat na katao kabilang ang isang banyaga na direktang sinadya ang tattoo artist na si Whang Od ay negatibo rin.


Ayon naman kay Surveillance Officer Flordeliza Abay ng Kalinga, nananatiling ‘zero PUI’ ang buong probinsya sa COVID-19.

 

Sa ngayon ay nananatiling normal ang sitwasyon sa buong probinsya at wala dapat ipangamba ang publiko ukol dito.

Facebook Comments