Nadiskubre na ng isang Sweden-based digital forensics group ang pinanggalingan ng cyberattacks sa na-red tag na news sites at rights group.
Batay sa ulat ng Qurium Media Foundation, nakita ito sa Department of Science and Technology (DOST) at sa Philippine Army.
Naitala ang pag-atake nitong Mayo 17, 18, at 20 maging nitong Hunyo 16, 22 at 23.
Dagdag ng grupo, ang IP address din ang umatake sa Wikipedia page para sa “Chief of Army (Philippines)” at iba pang page na may kinalaman sa militar.
Tiniyak naman ni Army Spokesperson Colonel Ramon Zagala na irerespeto ng kanilang hanay ang freedom of expression sa bawat polisiya at hindi nila ito kokondenahin.
Facebook Comments