Pinangunahan ni PRRD ang seremonya ng pagpapalit ng pamunuan ng AFP

Pormal na nanumpa sa tungkulin si Lt Gen Felimon Santos bilang pang- 53 na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Pinalitan niya si Lt General Noel Clement na magreretiro na bukas.

Pinasalamatan ng Pangulo si Clement sa kaniyang mahusay na pamumuno.


Kinilala nito ang ang mga humanitarian any relief operations ng AFP sa panahon ng kalamidad.

Kumpiyansa naman ang Pangulo na susuportahan ni Lt. General Felimon Santos Jr., mga programa ng gobyerno para maiangat ang kakayahan ng mga sundalo.

Umaasa ang Pangulo na marami pang magagawa ang AFP para protektahan ang kalayaan at mga makademokratikong sandigan ng bansa.

Nangako si Duterte na pagiibayuhin pa ng kaniyang administrasyon ang pagtulong sa AFP upang mapangibabawan nito ang mga hamong kakaharapin ng bansa.

Dumalo rin sa seremonya sina Senador Ronald “Bato” dela Rosa na miyembro rin ng PMA Sinagtala class ‘86 at si Senator Bong Go.

 

Facebook Comments