PINANGUNAHAN | Panibagong training center ng TESDA pinasinayahan

Manila, Philippines – Pinangunahan ni Technical Education and Skills Development Authority Secretary at Director General Guiling Mamondiong ang paglilipat sa lokal na pamahalaan ng Manolo Fortich, Bukidnon sa pamamahala ng TESDA training facility sa Barangay Tangkulan sa nasabing lalawigan.

Ang Manolo Fortich Technical Skills and Development Center ay magiging skills development hub na magbibigay ng skills training para sa anim na bayan na sakop ng unang distrito ng Bukidnon.

Ang TESDA ay tumulong sa pagpapaayos at rehabilitasyon sa nasabing training center.


Kasabay sa nasabing turn-over, ipinagkaloob din ni Mamondiong ang kauna-unahang registered program ng center, ang kursong Organic Agriculture NC ll at kasama rito ang 150-slot scholarship, na karamihan ay para sa mga katutubo sa naturang munisipalidad.

Kasabay sa pagbubukas ng Manolo Fortich Technical Skills and Development Center, mahigpit na itinagubilin ni Mamondiong sa mga lokal na opisyal na huwag maging ‘choosy’ o walang mangyayaring diskriminasyon sa pagpili ng mga trainee-scholars.

Facebook Comments