Manila, Philippines – Pinaninindigan ni House Speaker Pantaleon Alvarez na walang atrasan sa pagsusulong ng pag-amyenda sa Konstitusyon.
Ito ay sa kabila ng dumaraming mga Pilipino ang ayaw sa Federalism na nasa 64% habang 75% naman ang mga kakaunti ang kaalaman, hindi pa nababasa o walang kaalaman sa isinusulong na Cha-Cha.
Hinihikayat ni Alvarez ang 25-member Consultative Committee o ConCom sa pangunguna ni retired Chief Justice Reynato Puno na ipagpatuloy lamang ang kanilang trabaho para maisa-ayos ang saligang batas.
Sinabi pa ni Alvarez na hindi rin susuko ang mga lider ng Kamara sa pagsusulong ng chacha gayundin ay hindi papipigil si Pangulong Rodrigo Duterte na tugunan ang problema ng mga Pilipino para sa dagdag na sahod, pagbaba ng presyo ng mga bilihin at serbisyo at trabaho na inaasahang masosolusyunan sa ilalim ng Cha-Cha.
Naniniwala si Alvarez na ang charter change at ang pagbabago ng pamahalaan tungosa federal system ang itinuturing na roadmap para sa mas magandang kinabukasan ng bansa.