Manila, Philippines – Nanindigan si PCO Secretary Martin Andanar na walang fake news na nagmumula sa Duterte Administration sa kabila ng mga kumakalat na mga pekeng balita. Ito ang konkretong pahayag ng kalihim sa isang Forum sa Kabihan Manila Bay sa bisperas ng panibagong Fake News Hearing sa Senado. Ayon kay Andanar, tiwala siya sa mga taong bumubuo ng mga Communication Arm ng pamahalaan na pawang mga propesyunal gaya ng PIA,PTV, RTVM, PNA at PBS Radyo Pilipinas. Paliwanag ni Andanar, sa oras man aniya na may lumabas na fake news ay mahaharap ang mga ito sa karampatang parusa na naayon sa batas. Kasabay nito ay nilinaw ni Andanar na wala nang dapat pang gawing batas laban sa fake news dahil sapat na ang mga panuntunan ng konstitusyon laban sa dito.
PINANINDIGAN | PCO Secretary Andanar, nanindigan na walang fake news sa gobyerno
Facebook Comments