Pinaniniwalaang sinkhole, nadiskubre sa EDSA Connecticut

Manila, Philippines – Nadiskubre ng mga tauhan ng PNP HPG ang isang sinkhole sa kahabaan ng EDSA partikular sa may Connecticut Southbound lane.

Ang nasabing sink hole ang may lapad na 3 talampakan pero hindi pa matiyak kung gaano ito kalalim.

Nagtungo kanina sa nasabing lugar ang mga tauhan ng MMDA para sa kaukulang assessment.


Pansamantalang tinakpan ng aspalto at nilagyan ng orange barrier ang paligid ng sink hole na nadiskubre ng HPG nuong Hwebes.

Delikado ang butas dahil kasyang kasya dito ang gulong ng motorsiklo na maaaring magdulot ng aksidente.

Kaugnay nito magsasgawa ang DPWH ng road reblocking sa nasabing area mamayang gabi hanggang alas singko ng madaling araw sa Lunes.

Pinapayuhan naman ang mga motorista na humanap ng alternatibong ruta upang hindi maapektuhan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Facebook Comments