Sa inihaing Senate Resolution 893 ng senadora, iginiit nitong kailangan ng tama at masusing assessment ng programa.
Hindi aniya kakayanin ng ating bansa na magkaroon ng traportation crisis, lalo na’t bumabangon pa lang tayo mula sa epekto ng pandemya.
Ipinunto ni Sen. Marcos ang ilang kritisismo at pangamba ng iba’t ibang transport groups sa PUV modernization program.
Kabilang na dito ang hinaing ng ilang traditional jeepney drivers na nahihirapang makasunod sa consolidation requirements gaya ng mga dokumento, membership fees sa mga kooperatiba, pondo para sa stocks sa korporasyon at iba pa.
Kailangan aniyang bigyang pansin ang nakakaalarmang bilang ng mga PUV na hindi nakasunod sa consolidation para hindi maapektuhan ang mga commuters at ang public transportation sa Pilipinas.