Ito ang kinumpirma ni Chief Presidental legal Counsel at spokesman Salvador Panelo.
Ayon kay Panelo tanging ang lotto lamang ang lifted ang suspensyon sa ngayon.
Ibig sabihin ang operasyon ng STL, Peryehan ng Bayan, KENO, at iba pa ay nanatiling suspendido.
Ayon pa kay Panelo, back to normal operations nang muli ang mga franchise holders at lotto operators dahil ang nasabing kautusan ay effectively immediately.
Matatandaan nuong Sabado iniutos ng pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon sa lahat ng operasyon ng gaming activities at gambling na ang franchise at lisensya ay nagmula sa Philippine Charity Sweepstakes Office dahil sa umano’y isyu ng katiwalian.
Facebook Comments