PINAPIPIGILAN | Sen. Trillanes, nagpasaklolo sa SC para pigilan ang DOJ sa paghabol sa kanya sa kasong rebelyon at kudeta

Manila, Philippines – Muling dumulog sa Korte Suprema si Senador Antonio Trillanes IV para hilinging pigilan ang pagpapatupad ng Proclamation 572 na nagpapa-walang bisa sa kanyang amnestiya.

Sa kanyang tugon sa komentong isinumite ng gobyerno, humirit si Trillanes na magpalabas ang hukuman ng writ of preliminary injunction.

Partikular na hinihiling ni Trillanes na mapigilan ang pagpapatupad ng bahagi ng proklamasyon na nag-aatas sa Department of Justice (DOJ) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na isulong ang lahat ng kriminal at administratibong kaso laban sa kanya kaugnay ng Oakwood Mutiny at Manila Peninsula Hotel Seige.


Iginiit ni Trillanes na ang amnestiya na nagresulta sa pagbasura ng mga kaso laban sa kanya ay kinilala ng tatlong sangay ng gobyerno.

Ito ay sa pamamagitan ng Executive Department na nag-isyu noon ng Proclamation Number 75, ang pagpasa at pag-apruba ng Kongreso sa resolusyon pabor sa amnestiya at ang pagbasura ng mga trial court sa mga kaso laban sa kanya.

Facebook Comments