Manila, Philippines – Target ng Department of Labor and Employment na masunod ang Philippine Development Plan kung saan pagdating ng 2022, ay naibaba na sa 30% o katumbas ng 630,000 ang mga kabataan na involve sa Child Labor.
Ang pahayag na ito ni Labor Undersecretary Joel Maglungsod, ay kasabay ng paganyaya sa lahat ng sektor ng lipunan na makibahagi sa selebrasyon ng World Day vs Child Labor, na isasawa ng DOLE bukas, June 23 sa San Andres Sports Complex, Malate, Maynila.
Ayon kay Maglungsod, kahit pa marami na ang nagawa ng DOLE laban sa Child Labor, hindi aniya sila titigil hanggang maging child-labor free ang Pilipinas.
Base sa 2011 survey ng Philippine Statistics Authority, tinatayang nasa 2.1 million na mga kabataang nasa edad 5 hanggang 17 taong gulang ang involve sa child labor, nationwide