Manila, Philippines – Balak ni Nonito Donaire Jr. na bumaba sa Bantamweight o sa Super Bantamweight Division para muling makakuha ng kampeonato.
Ito ang sinabi ng promoter niyang si Richard Schaefer ng Ringstar Sports kasunod ng pagkatalo ni Donaire sa puntos sa huling laban niya kay Briton Carl Frampton sa Belfast, Northern Ireland.
Dahil sa panalo, nakuha ni Framton ang WBO Interim Featherweight title.
Taong 2011 pa nang huling lumaban sa Bantamweight division si Donaire kung saan niya pinabagsak sa second round at talunin sa puntos si Omar Andres Narvaez.
Facebook Comments