Pinaplanong “Balik Probinsya” program ng pamahalaan, suportado ng PNP

Nagpahayag nang pagsuporta ang Philippine National Police (PNP) sa binabalak na programang “Balik Probinsya” ng gobyerno.

Ayon kay PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa, nakahanda ang PNP na pakilusin ang kanilang pwersa sa buong bansa para tulungan ang mga residente sa malalaking siyudad na gusto nang permanenteng mamalagi sa kani-kanilang mga probinsya sa ilalim ng nasabing programa.

Sinegundahan ni Gamboa ang obserbasyon ni DILG Sec. Eduardo Año na ang pagbabawas ng populasyon ng mga pangunahing syudad ang susi sa pag-“manage” ng mga public Health emergencies tulad ng nararanasang problema sa COVID- 19 ng bansa.


Aniya makakatulong ang “decongestion” ng mga syudad sa iba pang “socio-economic indicators” tulad ng pagganda ng antas at kalidad ng pamumuhay.

Sa ngayon masusing pinaplano at pinaghahandaan ang mga kailangang gawin sa planong balik probinsya program.

Para kay Gamboa kung ito ay magtulo tuloy magreresulta ito ng panibagong sigla sa mga syuda at kaunlaran sa mga kanayunan.

Sinabi pa ni Gamboa, magiging magandang oportunidad ito para sa mga lokal na pamahalaan na gawing mas maunlad ang kani-kanilang mga lokalidad.

Facebook Comments