Manila, Philippines – Pinapopondohan ni Deputy Speaker Rolando Andaya ang implementasyon ng Bangsamoro Organic Law at ang dagdag na internal revenue allotment o IRA sa mga LGUs.
Ayon kay Andaya, wala sa 2019 P3.757 Trillion budget ang pondo para sa BOL at IRA ng mga LGUs.
Hiniling ng kongresista na maglaan ng budget space sa pambansang pondo sa susunod na taon upang maisingit dito ang pondo sa dalawang must-fund items na aabot ng P160 Billion pesos.
Nagrekomenda naman si Andaya ng tatlong paraan upang magawan ng solusyon ang budget sa BOL at IRA ng mga LGUs.
Una ay mag-realign ng alokasyon sa 2019 budget, ikalawa ay magsumite ang Malacañang ng budget errata para isama ang dalawang item at ikatlo ay magsumite ang palasyo ng supplemental budget.
Facebook Comments