Manila, Philippines – Pinareresolba sa budget deliberation sa plenaryo ang libu-libong unfilled positions sa mga attached agencies ng Department of Finance (DOF).
Sinita ni Baguio City Rep. Mark Go na halos 16,000 ang bakanteng posisyon sa buong nasasakupan ng DOF.
Pinakamalaking may mga bakanteng posisyon ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na may 10,000 nang unfilled positions habang ang Bureau of Customs ay aabot naman sa 3,000.
Nabatikos din ang DOF dahil 2015 pa hindi napupunan ang mga plantilla positions.
Tinawag naman ni House Appropriations Committee Vice Chairman Joey Salceda na “fundamental anomaly” sa operasyon ng kagawaran at kahinaan ito ng DOF.
Naniniwala naman si Salceda na kung mapupunuan ang libo-libong bakanteng posisyon na ito ay mas magiging epektibo sa koleksiyon ng buwis at sa trabaho partikular ang BIR at BOC.