Ang Pilipinas ay pang-anim na bansa sa mundo kung saan may malakas na impluwensiya ang Tsina.
Ito ang lumabas sa pag-aaral ng China Index, isang website na nag-iimbestiga sa impluwensiya ng Tsina sa mga bansa.
Ang China Index ay nakatuon sa mga hamon ng mga bansa dahil sa paglaki ng impluwensiya ng Tsina sa mundo.
Sinusukat nito ang impluwensiya ng Tsina sa bawat bansa batay sa siyam na indicator: media, foreign policy, academia, domestic politics, economy, technology, society, military at law enforcement.
Sa ranking ng China Index, ang Pilipinas ay nakakuha ng score na 204 at pumang-anim sa 36 bansa kung saan may malakas na impluwensiya ang Tsina. Nangunguna sa listahan ang Cambodia, Singapore, Thailand, Peru at Kyrgyzstan.
Ayon sa China Index, ang Tsina ay may pinakamalakas na impluwensiya sa Pilipinas sa lokal na pulitika (69.4%), pagpapatupad ng batas (68.2%) at teknolohiya (65.9%).
Sa ibang domain, ang Tsina ay may sumusunod na impluwensiya sa Pilipinas: media (60%), academia (40%), ekonomiya (63.6%), lipunan (27.3%), militar (45.5%) at foreign policy (45.5%).
Sa isang artikulo sa Independent News Service na may pamagat na “China’s Relentless Effort To Expand Influence In Southeast Asia,” sinabi dito na ang eleksiyon sa Pilipinas noong Mayo ay isang oportunidad para sa Tsina na palakasin ang posisyon nito sa Southeast Asia.
“The Xi Jinping regime in Beijing will continue to take advantage of the region‘s economic needs to force regional states to see China as their only viable economic and security partner. If the Philippines new president is not wary of Beijing’s efforts to subvert Philippine interests in favor of its own economic and security preferences, Philippine economic self-determination will become subordinate to China’s,” ayon sa artikulo.
Dagdag nito, “Belt and Road Initiative (BRI) loans are often at high interest rates, to countries to build infrastructure such as highways, power generation stations, railroads, and airports.”
“Oftentimes the construction work is carried out by Chinese companies who supply Chinese labor and raw materials. As part of the terms of the agreement, Chinese companies associated with the BRI don’t pay taxes to the local government for the first several years,” ayon sa artikulo.
Nagbabala ang artikulo sa bagong administrasyon ng Pilipinas na pag-aralan ang mga transaksiyon sa Tsina dahil ang mga ito ay lubhang nagbibigay benepisyo sa mga Tsinong negosyo.
“The next Philippine government should consider that dealings with China are overwhelmingly designed to benefit Chinese businesses and Chinese patrons, with hidden financial costs that can damage a country’s ability to provide for its population and strengthen China’s influence in the region,” ayon sa artikulo.