3 KABATAAN, ARESTADO MATAPOS MAGNAKAW NG MOTORSIKLO

Sinampahan na ng kaso sa piskalya ang tatlong kabataang tumangay ng motorsiklo noong Hulyo 19, 2022 sa Cauayan City.

Noong nakaraang Martes, napabalitang nawawala ang motorsiklo ni Ginoong Bernard Rosas Mamauag bandang alas otso ng gabi matapos iparada sa FLDY coliseum.

Ang nawawalang motorsiklo ay isang Yamaha Mio Sport na kulay violet.

Sa pamamagitan ng pagpapatrolya ng mga pulis sa Cauayan City, kanilang narekober ang motorsiklo sa pag iingat ng tatlong mga kabataan.

Ang mga suspek ay pawang mga estudyante, dalawa rito ay lalaki, edad 18 at 16 taong gulang samantala ang babae naman ay 12 anyos palang.

Ikinustodiya na sa DSWD ang 16 anyos na supek habang nasa pangangalaga ng PNP ang isang suspek, at ipinasakamay naman ang 12 anyos sa kanyang mga magulang.

Facebook Comments