Abra – Patay ang dalawang pulis habang labindalawang iba pa ang sugatan sa pagsabog ng granada sa La Paz, Abra dakong ala 1:30 kaninang madaling araw
Kinilala ang mga nasawi na sina PO3 Carlos Bocaig at PO2 Frenzel Kitoyan na noon ay naka-assign para magbantay sa isinasagawang fireworks display sa gitna ng pagdiriwang ng pista ng bayan.
Habang kabilang sa nasugatan si Congressman Joseph Bermos at asawa niyang si La Paz Mayor Menchie Bermos na ngayon ay pinauwi na ng doktor.
Ayon kay Cordillera Administrative Region Police C/Supt. Edward Carranza, dalawang lalaki ang umano’y namataang may bitbit ng mga granada.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente kung saan pulitika ang isa sa mga tinitingnan nilang anggulo sa pag-atake.
Facebook Comments