WALANG MAKAPIPIGIL | Oplan Tanggal Bulok, Tanggal Usok, tuloy pa rin!

Manila, Philippines – Sa kabila ng mga batikos, tuloy ang Oplan “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” ng Inter-Agency Council On Traffic (I-ACT) sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila

Kanina, muling sinuyod ng LTRFB ang kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

As of 9:50 kaninang umaga, limang pampasaherong jeep agad ang nasita kung saan apat rito ang na-subpoena dahil sa pagbubuga ng maitim na usok habang isa ang natiketan dahil sa defective handbrake.


Isang E-jeep din ang nahuli dahil walang lisensya ang driver.

Samantala, binibigyan naman ng taho ni LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada ang mga jeepney driver na pumapasa sa kanilang inspeksyon.

Facebook Comments