PINASASAGOT | BI, binigyan ng DOJ ng 10 araw para sagutin ang petition for review ni Sister Patricia Fox

Manila, Philippines – Pinasasagot na ng Dept of Justice ang Bureau of Immigration sa inihaing petition for review ni Sister Patricia Anne Fox.

Kasunod ito ng pagkansela ng BI sa missionary visa ni Sister Fox.

Sampung araw ang binigay ni Justice sec. Menardo Guevarra sa Bureau of Immigration para sagutin ang petisyon ng kampo ng Australian missionary.


Limang araw naman ang binigay ng DOJ sa kampo ni Sister Fox para sumagot sa magiging tugon ng BI.

Sa kanyang petisyon,hiniling din ni Sister Fox na mabaliktad ang desisyon ng BI at maibalik ang kanyang missionary visa.

Facebook Comments