PINASINAYAAN | PRC, bumuo ng sponsorship plan na sasagot sa dialysis treatment ng mga mahihirap na Pilipino na mayroong kidney failure

Manila, Philippines – Pinasinayaan ngayong hapon ang kauna- uahang dialysis center ng Philippine Red Cross na naglalayong mailapit ang state of the art o dekalidad na dialysis services sa mga mahihirap na Pilipino.

Ang Dialysis Center na ito ay mayroong 10 brand new dialysis machines at 2 automated reprocessing machines.

Ayon kay PRC Chairman Senator Richard Gordon, ang center na ito ay katuwang ng binuo nilang Dialysis Samaritan Program, kung saan maaaring mag donate o mag sponsor ng dialysis treatment ang mga indibidwal o kumpaniya, para sa mga pasyente na mayroong kidney failure.


Sa halangang 3,700 pesos, maaari nang sagutin ng isang pribadong indibidwal ang isang session ng hemodialysis, habang 577, 200 pesos naman ang halaga ng isang buong taong treatment.

Kabilang sa mga nanguna sa inagurasyon ay sina Sen. Cynthiw Villar at Health Secretary Francisco Duque III, na nagpaabot din ng pagbati sa pormal na pagbubukas ng Dialysis Center.

Ayon kay Duque, malaking tulong ang proyektong ito ng Red Cross, lalo’t layunin nila na mabigyan ng access ang mga Pilipino ng dekalidad at abot kayang health services.

Facebook Comments