PINASINUNGALINGAN | Hype, itinanggi ang alegasyon ng overcharging sa kanilang mga pasahero

Manila, Philippines – Sa unang araw ng pagdinig ng LTFRB, itinanggi ng local transport network company na Hype Transport Systems, Incorporated ang alegasyong ‘overcharging’ sa kanilang mga pasahero.

Ang pahayag ay iginiit ni Nicanor Escalante, ang presidente ng Hype na personal na dumalo sa hearing na ipinatawag ng regulatory agency.

Dagdag pa ni Escalante, gusto lang umanong sirain ang pangalan ng kanilang kumpanya para maagaw ang mga pasahero na tumatangkilik na sa kanilang serbisyo.


Pinagpapaliwanag ng LTFRB ang Hype matapos na magreklamo ang isang ‘concerned citizen’ na tulad umano ng Grab Philippines ay nagpapataw rin ng P2.00 per minute travel charge na hindi aprubado ng board.

Ang iligal na singil ay bukod pa sa ipinatutupad na P40 flagdown rate at P14 per kilometer charge sa commuters.

Pangalawa na ang kaso ng Hype na sinita ng LTFRB kasunod ng Grab na pinagmulta dahil dito ng P10 million at pinasasaoli ang sobrang sini gil sa kanilang mananakay sa pamamagitan ng rebate system.

Facebook Comments